Isang seleksyon ng mga di-malilimutang sandali sa aming kompanya.
2006
- Marso
Ang unang disenyo ni Jack Dorsey para sa Twitter; ipinadala niya ang unang Tweet noong Marso 21.
2007
- Marso
Nakilala ang Twitter dahil sa SXSW Interactive, napanalunan ang SXSW Web Award ng digital confab. - Abril
Humiwalay ang Twitter sa Obvious Corp. upang maging ibang kompanya, Twitter, Inc., nang may Delaware incorporation filing noong Abril 19. - Agosto
Ang hashtag (#), na unang iminungkahi ng user na si Chris Messina, ay nag-debut sa Twitter.
2009
- Enero
Ang pagbagsak ng eroplano ng US Airways sa Hudson River sa NYC ay na-share sa Twitter; ang larawan ay ang unang-unang nakuha mula sa pangyayari, na lumabas sa balita bago pa malaman ng tradisyonal na media. - Setyembre
Umanib si Dick Costolo sa Twitter bilang COO.
2010
- Abril
Inilunsad ng Twitter ang Mga Promoted Tweet.
Ipinahayag ng Twitter na magbibigay ito ng archive ng mga Tweet ng publiko sa Library of Congress. - Hunyo
Inilunsand ng Twitter ang Mga Promoted Trend. - Oktubre
Inilunsad ng Twitter ang Mga Promoted Account.
Si Dick Costolo ay naging CEO mula COO.
2011
- Marso
Nag-share ang Twitter ng mahahalagang numero para sa ikalimang kaarawan nito, kasama ng 1 bilyong Tweet na ipinapadala bawat linggo. - Mayo
Nabili ng Twitter ang TweetDeck. - Hunyo
Nakipagtulungan ang Twitter sa Apple upang maisama ang Twitter sa iOS 5. - Setyembre
Ibinalita ng Twitter ang 100 milyong aktibong user buwan-buwan, sa buong mundo.
Pinayagan na ng Twitter ang mga mobile user na mag-share ng mga larawan sa pamamagitan ng SMS (MMS). - Oktubre
Inilunsad ng Twitter ang Mga Promoted Tweet sa mga timeline, sa lahat ng mga user ng Twitter.com.
2012
- Pebrero
Ipinahayag ng Twitter ang tungkol sa self-service na pag-a-advertise para sa maliliit ng negosyo, sa pakikipagtulungan nito sa American Express. - Hunyo
Ipinahayag ng Twitter ang bagong disenyo ng Twitter bird. - Hunyo
Nilabas ng Twitter ang una nitong ulat sa transparency. - Nobyembre
Itinatak ni President Obama ang kaniyang pagkapanalo gamit ang Tweet na ito, na na-retweet nang pinakamaraming beses.
2013
- Enero
Inilunsad ng Twitter ang Vine. - Agosto
500 milyong Tweet ang naipapadala araw-araw, o 1 bilyon kada ~2 araw.
Ang mga user ng Twitter ay nakapagtakda ng record ng mga bagong Tweet kada segundo. - Setyembre
Ipinahayag ng Twitter ang pagfa-file ng IPO. - Oktubre
Inilunsad ang Nielsen Twitter TV Rating.
Nabili ng Twitter ang MoPub.
2014
- Enero
Unang kaarawan ng Vine. - Pebrero
Kasama sa pinakabago naming Ulat sa Transparency ang data sa loob ng dalawang taon. - Marso
Upang ipagdiwang ang ikawalong kaarawan nito, inaanyayahan ka ng Twitter na hanapin ang iyong #UnangTweet, o unang Tweet ng sinoman.
Ang #Oscars na mga Tweet sa taong ito ay nakakuha ng di pa nalalampasang 3.3 bilyong impression, at nalampasan ng Tweet na ito ang dating record upang maging Tweet na pinakamaraming beses na na-retweet. - Abril
Inilunsad ng Twitter ang mga bagong profile sa web.
Naabot ng MoPub Marketplace at ng Twitter Publisher Network ang mahigit sa 1 bilyong mobile device.
Nabili ng Twitter ang Gnip. - Hunyo
Nabili ng Twitter ang Nano Media, SnappyTV, TapCommerce. - Hulyo
Ipinapakita ng aming bagong Ulat sa Transparency ang tuloy-tuloy na pagtaas ng mga request para impormasyon ng account, pagtatanggal ng content at pag-aalis ng content na may copyright.
Nabili ng Twitter ang CardSpring.
Kami ay nakatalaga sa pagtataguyod ng isang negosyo na ipinagmamalaki namin, at ginagawa naming pundasyon ng aming kultura ang pagsasama. Dahil dito, isinasama namin ang ilang katulad na kompanya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aming data sa pagkakaiba-iba ng etnisidad at kasarian. - Agosto
Inilunsad ng Twitter ang Promoted Video.
Ipinakikilala ang Twitter Flight School para sa mga ahensya. - Oktubre
Inilunsad ng Twitter ang Fabric, isang modular na SDK sa kauna-unahan nitong mobile developer na conference, ang Twitter Flight.
Ipinahayag ng Twitter ang partnership nito sa IBM. - Nobyembre
Inalok ng Twitter ang emoji bilang isang open source na library.
2015
- Enero
Inilunsad ng Twitter ang Direktang Mensahe at mobile video para sa grupo.
Ipinagdiwang ng Vine ang ikalawa nitong kaarawan.
Nabili ng Twitter ang ZipDial.
Idinetalye ng Twitter ang patuloy nitong pagsuporta sa San Francisco.